November 24, 2008

ANIM NA BUWANG NAKA-TENGGA

May nasagutan akong survey sa Friendster. Pinagkukumpara ang lovelife ko last year december and this coming december. Bigla ko na lang narealize na six months na rin pala akong walang kakulitan, kaasaran, kapuyatan sa gabi, kausap hanggang lumabas si Haring araw, kakantahan, at higit sa lahat, ka-ilabyuhan. Ibig sabihin wala akong KA-anuhan. Lahat ng KA na maiisip mo. Wala ako nun. O sige, sabihin na nateng nandyan ang aking mga kaibigan na nagbibigay buhay sa sirang plaka kong buhay. Pero parang may kulang. Kumbaga sa vitamins, hindi ako ako nagse-Centrum at kylangan kong magtake at masabing, "I want to be Complete" Pero heto ako, Im INCOMPLETE.

Iniisip ko na lang na darating na lang yan. Pupunta rin ako diyan. Pero naisip ko rin kung laging ganto na lang, puro "right time" na lang iniisip ko, wala akong mapapala. Ayoko rin namang magmukang Desperada na makipag-relasyon na lang kung kani-kanino. Wala din akong mapapala don. Nagkakaron nga ng KA-anuhan pero hindi rin naman tumatagal. Nakakaaksaya lang sa oras. Nakakaumay sakyan. Panandaliang saya at sarap sa pakiramdam pero hanggang dun lang yon. Wala ng iba. Gustuhin ko naman maging seryoso pero, nararamdaman mo rin naman na hindi rin magtatagal. Wag na lang.

Pag tinatanong tungkol dito, lalo na ng mga taong naging involved saken dati, sinasagot ko na lang na wala. Gusto ko na magkaroon. Pero sabay comment naman nila na okay lang yan. Studies na muna intindihin ko. Isip-isip ko, palibasa kasi meron sila. At ako wala. Dahil sa kanila, zero love life ko. Hindi naman dahil sa bitter ako. Pero kasama na rin sa factor.

Studies? Pwede na rin maging dahilan yan kung bakit wala pa akong KA-anuhan. KAtulad ngayon. Nag-oojt ako. Hindi ko ata masisingit ung mga ganung bagay. Pero kung tutuusin pwede naman isingit eh. Kung gugustuhin ko rin. Kaso nga wala. Magagawa ko.

Hanggang RIGHT TIME na nga lang siguro ako.

COME WHAT MAY.

:)

3 comments:

camszy said...

god. after posting this, nagparamdam c ex. nag-pm saken. at nakita ko pa primary pic nila jowa nia. grrrr!

camszy said...

god. after posting this, nagparamdam c ex. nag-pm saken. at nakita ko pa primary pic nila jowa nia. grrrr!

ylou said...

hai...
wla q msbi..
alm m yan..